Kaso laban kay US Marine Joseph Scott Pemberton, pinagtibay ng Court of Appeals

Manila, Philippines – Iaapela ng kampo ni US Marine Joseph Scott Pemberton sa Korte Suprema ang naging desisyon ng court of appeals na nagpapatibay sa kaso laban sa kanya sa pagkamatay ng transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude noong 2014.

Sabi ni Atty. Rowena Garcia-Flores, legal counsel ni Pemberton – hindi pa rin nila nakikita ang kopya ng resolusyon ng C-A Special 16th City Regional Trial Court na nagpapataw sa kanyang kliyente ng sampung taong pagkakakulong.

Bukod dito, pinagbabayad din ng C-A ang kampo ni Pemberton ng 4.32 million pesos bilang danyos sa pamilya Laude.


Una rito, binasura ng Court of Appeals ang Motion for Reconsideration ni Pemberton.

Facebook Comments