Kaso laban sa mga doktor sa namatay na businesswoman habang nagpapaopera, inihahanda na

Manila, Philippines – Inihahanda na ng Eastern Police District ang kaso laban sa mga doktor na nag-opera sa nasawing businesswoman habang nagpaparetoke sa Mandaluyong City.

 

Ito ay matapos lumabas sa autopsy report na multiple organ failure secondary to complication of cosmetics procedure ang ikinasawi ng biktimang si Shiryl Satuirnino.

 

Ayon kay senior Supt. Marcelino Pedrozo, commander ng Special Investigation Task Group Shiryl, pinamamadali na nila ang paglabas ng histopathologic examination para maisampa ang kaso laban kina  Dr. Jose Jovito Mendiola, anesthesiologist at Dr. Samuel Eric Yapjuangco, isang plastic surgeon at mga nurse ng The Icon Clinic.

 

Kinumpirma naman ni Dr. Briccio Alcantara, presidente ng Philippine Association of Plastic Reconstructive and Aesthetic Surgeons (PAPRAS) ay iimbestigahan rin ang kaso ni Saturnino.

 

March 25 nang isagawa ang liposuction, breast at butt surgery sa biktima pero bago mag alas-3 ng Linggo ng madaling araw mawalan ng pulso si Saturnino.

 

Idineklara siyang patay alas 3:21 ng madaling araw bago pa man siya maitakbo sa Makati Medical Center.


Facebook Comments