Posibleng umabot sa 4,000 ang kaso ng COVID-19 na maitatala sa mismong araw ng eleksyon sa Mayo 9.
Ito ang ibinabala ng OCTA Research Group kung patuloy na bababa ang immunity sa COVID-19 dahil sa kaunting bilang ng mga nagpapa-booster shots at ang pagpasok ng mga bagong variants.
Sabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nakikita nila ngayon na nagkakaroon muli ng uptick o pagtaas ng mga kaso sa mga rehiyon na mababa ang vaccine coverage.
Kahapon, umabot sa 278 ang mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa pero bumaba naman sa 31,472 ang total active cases.
Samantala, muli namang iginiit ni Vaccine Experts Panel Chair Dr. Nina Gloriani na dapat pataasin pa sa 95% ang immunity wall sa lahat ng lugar sa bansa ngayong may mga panibagong banta ng COVID-19 variants.