TUBONG APARRI, CAGAYAN, TOP 1 SA 2022 OPTOMETRIST LICENSURE EXAMINATION

36
Cauayan City, Isabela- Nanguna sa listahan ng topnotchers si Dr. Kim Elijah Eduba Torio mula sa bayan ng Aparri sa katatapos lamang na Optometrist Licensure Examination ngayong taon.

Nakapagtala si Torio ng 88.72% na passing rate.

Nagtapos bilang Magna Cum Laude noong nakaraang taon si Torio sa Centro Escolar University.

Siya ay anak ni Dr. Maribelle Eduba Torio na isa ring Optometrist na tubong Nagsirucan, Aparri Cagayan at ni Michael Torio, isang retired PNP Member at negosyante mula Centro, Aparri.

Facebook Comments