Kaso ng COVID-19 sa bansa, 803 na

Pumalo na sa 803 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa matapos maitala ang panibagong 96 na kaso.

Siyam naman ang panibagong nadagdag sa bilang ng mga nasawi sa virus kaya umaabot na sa 54 ang bilang ng mga binawian ng buhay.

Tatlo naman ang panibagong gumaling sa COVID-19 at umaabot na ngayon sa 31 ang pasyenteng naka-recover sa virus.


Kinumpirma naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 791 na sumailalim sa COVID test ang nag-negatibo.

Samantala, nilinaw ni Usec. Vergeire na ang mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 ay pinapayuhan nila na manatiling naka-isolate.

Ito ay bagamat wala pa aniyang ebidensya na nagkakaroon ng re-infection ang mga pasyenteng naka-recover sa COVID-19.

Facebook Comments