Pumalo na sa 112,593 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos madagdagan ng panibagong 6,352 na kaso mula sa National Capital Region (NCR), Region 4A at Region 3.
44,429 naman ang active cases habang 66,049 na ang total recoveries matapos madagdagan ng panibagong 240 recoveries.
11 naman ang panibagong binawian ng buhay kaya umaabot na ang total deaths sa COVID-19 sa bansa sa 2,115.
Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala muling Pilipino sa abroad ang binawian ng buhay sa COVID-19.
Bunga nito, nananatili sa 693 ang total deaths.
Nakapagtala rin ng 10 lamang na panibagong kaso sa mga Pinoy sa ibayong-dagat mula sa Asia and the Pacific at Europe.
Sa ngayon,umaabot na ang kabuuang COVID cases sa mga Pinoy sa abroad, sa 9,607 mula sa 71 mga bansa.
Sa naturang bilang 3,233 ang active cases.
28 naman na mga Pinoy ang panibagong gumaling kaya umaabot na ang total recoveries sa 5,681.
Muli namang umapela ang DFA sa mga Pinoy sa abroad na mahigpit na sundin ang precautionary measures na pinaiiral ng mga gobyerno doon.