Nananatiling mababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 dahil sa magandang vaccination rate sa bansa.
Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa, bagama’t mayroong ilang mga lugar sa ilalim ng Alert Level 2 at ilang mga lugar na nag-ulat ng pagtaas ng mga kaso, ang COVID-19 daily rate ng bansa ay mababa pa rin.
Sa katunayan aniya ang COVID-19 daily rate sa bansa ay mababa pa rin sa 200.
Nauna nang iniulat ng Department of Health (DOH) na sa 15 fully vaccinated na foreign travelers sa Palawan, 13 ang asymptomatic habang ang dalawa pa ay nagsimulang magpakita ng sintomas noong Abril 27 at 28.
Sinabi naman ni Herbosa na nasa 68.3 milyong Pilipino ang fully vaccinated sa bansa, na katumbas ng 76% ng target population.
Habang nasa 72.9 million indibidwal ang nakatanggap na ng first dose na katumbas ng 80% ng target population.