Petro Gazz, magbibigay ng diskwento sa araw ng halalan

27

Magbibigay ng diskwento sa kanilang mga produktong petrolyo ang Petro Gazz sa mismong araw ng eleksyon sa Lunes, Mayo 9.

Ayon sa Petro Gazz, P2 kada litro ang ibibigay nilang discount sa lahat ng kanilang oil products.

Kabilang sa kanilang branch na may diskwentro ang mga sumusunod:


– Petro Gazz Mindanao Avenue, Quezon City
– Petro Gazz Barangka, Mandaluyong
– Petro Gazz Moonwalk, Parañaque
– Petro Gazz Llano, Caloocan
– Petro Gazz Fortune, Valenzuela
– Petro Gazz Mayamot, Antipolo
– Petro Gazz San Sebastian, Batangas
– Petro Gazz Basud, Camarines Norte
– Petro Gazz Poro, La Union
– Petro Gazz Valladolid, Negros
– Petro Gazz Valladolid Crossing, Negros
– Petro Gazz Kabankalan 2, Negros
– Petro Gazz Bulua, Cagayan de Oro
– Petro Gazz Calumpang, General Santos

Epektibo ang discount promo simula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.

Kailangan lamang ipakita ng mga botante ang kanilang index finger o hintuturo na mayroong indelible ink.



Facebook Comments