Nadagdagan ng 2,200 ang kumpirmadong Coronavirus Disease o COVID-19 cases sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pumalo na sa 74,390 ang confimed cases sa bansa kung saan 48,136 ang aktibong kaso.
Sa newly recorded cases, 1,314 ang fresh habang 886 ang late cases.
Nasa 760 pasyente ang gumaling sa nakakahawang sakit na umabot na sa 24,383 recoveries.
Habang 28 ang naitalang nasawi na mayroon ng kabuuang 1,871.
Samantala, 27 bagong mga kaso ng COVID-19 ang naitala sa mga Pilipino sa abroad.
Dahil dito, pumalo na sa 9,192 ang overseas Filipino na nagpositibo sa virus, 5,378 ang mga gumaling sa sakit at nananatili sa 647 ang mga nasawi.
Facebook Comments