Kaso ng COVID-19 sa Cagayan, Bumababa na- PESU

Cauayan City, Isabela- Patuloy ang pagbaba ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Cagayan batay sa datos ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU).

Nadagdagan naman ang mga bayan na COVID-19 Free na kabilang ang Rizal matapos makarekober sa sakit ang huling dalawang pasyenteng binabantayan.

Samantala, naitala naman ang 17 na panibagong kaso sa Cagayan mula sa walong lugar habang apat naman ang naiulat na nasawi kung saan dalawa dito ay mula sa Tuguegarao City, at tig-isa sa bayan ng Buguey at Piat.


Bukod dito, nasa 20 indibidwal ang naka home quarantine sa probinsya kung saan labing-isa ay sa Tuguegarao City, apat sa bayan ng Sta. Ana, tatlo sa Claveria, at dalawa sa bayan ng Baggao.

Sa kasalukuyan, nasa 276 ang active cases sa buong lalawigan matapos maitala ang panibagong 26 na gumaling mula sa virus ayon sa tala ng PESU.

Facebook Comments