Cauayan City, Isabela- Tumaas pa sa 618 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan.
Sa datos ng City Health Office ngayong araw ng Huwebes, September 23, 2021, muling nakapagtala ang Lungsod ng labing pito (17) na panibagong kaso kaya’t bahagyang tumaas sa 618 ang active cases sa Lungsod.
Bukod dito, walang naitala ang Lungsod na bagong gumaling sa COVID-19 subalit may isang (1) pasyente ang pumanaw.
Sa ngayon, nangunguna na ang barangay District 1 sa may pinakamaraming aktibong kaso ng COVID-19 sa Cauayan City na aabot sa 102; sumunod na lamang ang San Fermin na may 98 at pangatlo ang Cabaruan na may 64.
Ang Cauayan City ay nananatili sa Hybrid General Community Quarantine Bubble na matatapos hanggang September 30, 2021.
Facebook Comments