Cauayan City, Isabela- Naaalarma ang kapitan ng Barangay District 2 sa Cauayan City dahil sa maraming kabarangay nito ang positibo sa COVID-19.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay Kap. Miko Del Mendo, nasa 22 residente ang kasalukuyang nagpapagaling sa sakit, bagay na kanyang ipinagpapasalamat dahil karamihan sa bilang ay pawang mga asymptomatic o walang nararamdamang sintomas.
Aniya, may walong (8) katao pa ang hinihintay ang resulta ng swab test.
Tinitiyak nito na mabibigyan ng sapat na atensyong medikal ang kanyang mga kabarangay lalo na ang pagbibigay ng bitamina sa mga ito para sa kanilang pagpapalakas ng katawan.
Sinabi rin niya na nasisigurong nasa ligtas na sitwasyon ang kanyang mga kabarangay na positibo sa sakit gayundin ang iba pang miyembro ng pamilya.
Samantala, nakatanggap na ng unang dose ng Astrazeneca vaccine si Del Mendo maging ang mga kasapi ng BHERTs habang naghihintay sila sa susunod na vaccination.
Paalala naman sa publiko ang ugaliing pagsunod sa minimum health protocol upang maiwasan ang lalonpang pagkalat ng sakit.
Kaso ng COVID-19 sa isang Barangay ng Cauayan City, Ikinaalarma
Facebook Comments