Ikunalungkot ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City ang bagong bilang ng kaso ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19.
Batay kasi sa pinakabagong tala ng City Health Office ng nasabing lungsod, mula 89 na positive sa COVID-19 noong Linggo, pumalo ito sa 106, matapos itong madagdagan ng labing pitong bagong pasyente ng nasabing virus.
Maliban dito, nadagdagan din ng dalawa ang bilang ng mga nasawi sa Lungsod, kung saan umabot na ito ng labing walong pasyente na binawian ng buhay kahapon ng dahil sa virus.
Ang Barangay highway hills pa rin ang may pinakamaraming kaso ng Coronavirus, kung saan nasa labing walo ito.
Sumunod ang Barangay Plainview na may labing apat; labing tatlo sa Addition Hills; at labing dalawa sa Barangay Mauway.
Pito sa Wack-wack; anim sa Malamig; tig lima sa Barangay Hulo at Daan Bankal.
Tig apat naman sa Barangay Bagong Silang at Barangka Ilaya at ang Barangay Barangka Drive; New Zaniga; at Poblacion ay mayroon tig tatlo.
May dalawang kaso naman ng COVID-19 ang Barangays Hagdang Bato Itaas at tig isa naman ang Barangay Barangka Itaas; Buayang Bato; Hagdang Bato Libis; Mabini-J Rizal; Namayan; Pleasant Hills; at Vergara.