Umabot na sa 910 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong.
Sa nasabing bilang, 65 ang nasawi, 656 ang gumaling habang may 189 pang active cases.
Ang Barangay Addition Hills pa rin ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa lungsod na nasa 194 sinundan ng Barangay Mauway na may 109 na confirmed cases.
Limang bagong kaso rin ng virus ang naitala sa Las Piñas City na ngayon ay aabot na sa 453.
Hindi naman nadagdagan ang bilang ng nasawi na nasa 34 habang 320 na ang gumaling.
Samantala, nagbigay naman ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas ng libreng P30.00 load para sa mga residente na bibili ng beep card bilang pambayad sa solar-powered Star 8 E-Jeep na una nang pinayagang bumiyahe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Nabatid na nasa 15 Star 8 E-Jeeps ang bumibiyahe na sa mga rutang Alabang-Zapote Road bukod pa ang anim na ginagamit ng lokal na pamahalaan para sa kanilang “libreng sakay” program.