Kaso ng COVID-19 sa Maynila, tumaas ng higit 30

Pumalo sa 33 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Ito’y matapos na makapagtala ng karagdagang sampung bagong kaso.

Sa datos na inilabas ng Manila Health Department, pinakamaraming tinamaan ng COVID-19 ay sa bahagi ng Pandacan at Malate na nakapagtala ng tig-5 ang bilang.


Tig-4 naman ang naitala sa Sampaloc at Tondo-1 habang tig-3 sa bahagi ng San Andres, Sta. Cruz at Sta. Mesa.

Nasa tig-2 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Ermita at Sta. Ana kung saan tig-1 sa Binondo at Tondo-2.

Dahil dito, muling nagpapa-alala ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga residente nito na mag-doble ingat anumang oras.

Maiging sundin rin ang ilang mga health protocols lalo na’t kabi-kabila ang mga programa at aktibidad na may kaugnayan sa selebrasyon ng Araw ng Maynila sa darating na linggo (June 19, 2022).

Facebook Comments