Kaso ng COVID-19 sa NCR, nag-peak na; infection wave sa bansa, aabot hanggang Setyembre, ayon sa OCTA

Kinumpirma ng OCTA Research Group na tapos na ang COVID-19 peak sa National Capital Region (NCR).

Pero, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang pagsipa ng mga kaso ng nasabing sakit sa bansa ay hindi pa matatapos.

Ayon pa kay David, nakagpatala ang bansa ng negative growth rate sa nakalipas na dalawang linggo, habang ang kasalukuyang growth rate ay nasa -17%.


Dagdag pa ni David, posibleng ilang araw pa bago mag-peak ang mga kaso ng COVID-19 sa mga lugar na malayo sa NCR.

Facebook Comments