Thursday, November 26, 2026

Umano’y iligal na fish cages sa Sual, Pangasinan na pag-aari ng mga Chinese, paiimbestigahan na ng pamahalaan

COURTESY: Google Earth

Inatasan na ng Department of Agriculture (DA) ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na imbestigahan ang mga fish cage sa Sual, Pangasinan na umano’y iligal na pag-aari at pinatatakbo ng mga Chinese.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, nakausap na ng Palasyo si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na nag-utos ng agarang imbestigasyon sa naturang operasyon.

Kapag napatunayang iligal ang mga fish cage, ipatatanggal ang mga ito.

Binigyang-diin ng Malacañang na dapat maprotektahan ang karapatan ng mga Pilipinong mangingisda at matiyak na hindi mapakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng bansa.

Facebook Comments