KASO NG COVID-19 SA REGION 1, TUMAAS NG 28.6%

19

Tumaas ng 28. 6 % ang kaso ng COVID-19 sa Ilocos Region sa nakalipas na linggo.

Sa datos ng Ilocos Center for Health Development, nasa walong kaso ng sakit ang naitatala kada araw.

54 na bagong kaso ang nadagdag kung saan iisa ang naitalang severe o critical at 15 indibidwal ang nasawi.

Nasa 12% naman ang non-icu bed utilization at 19% sa icu bed utilization.

Samantala, mayroon ng 3, 697, 765na residente nito ang fully vaccinated at 848, 123 ang nabigyan ng booster dose. | ifmnews

Facebook Comments