Cauayan City, Isabela- Muling sumampa sa higit 100 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City, Cagayan batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2.
Ayon kay Governor Manuel Mamba, pumalo sa kabuuang 122 katao ang inoobserbahan ngayon makaraang magpositibo sa COVID-19 habang 35 ang nakaself-isolation na pawang mga asymptomatic.
Pangamba naman ni Mamba na baka madagdagan pa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa lungsod ng Tuguegarao at iba pang bayan sa probinsya.
Ayon pa sa Gobernador, mahigpit din nilang binabantayan ang kaso sa bayan ng Solana makaraang pumalo sa 17 ang aktibong kaso habang apat (4) dito ang nakahome-quarantine.
Una nang iminungkahi ni Mamba ang muling pagsasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa lungsod ng Tuguegarao dahil sa patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 na siyang ikinakabahala ng pamahalaan.