Kaso ng Cyber libel, tumaas ng 13.53% nitong Pebrero

Umangat ng 13.53% ang kaso ng Cyber libel na naitala ng Philippine National Police Anti Cybercrime Group (PNP ACG) nitong Pebrero.

Ito’y makaraang makapagtala ng 151 na kaso ang ACG kumpara sa 133 na kaso noong Enero.

Ayon kay ACG Acting Director PBGen. Bernard Yang, patuloy na tumataas ang kaso ng online defamation o paninirang puri dahil sa mabilis na paglaganap ng hindi beripikadong impormasyon sa digital platforms.


Ang mali o malisyosong content ay maaaring makasira sa reputasyon at magdulot ng matinding mental, emotional, at physical distress sa isang indibidwal.

Dahil dito, patuloy na pinaiigting ng PNP ACG ang kampanya laban sa cyber crime at hinikayat ang publiko na maging responsable sa paggamit ng internet.

Pinaalalahanan din ang lahat na agad i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad online.

Facebook Comments