Dumoble pa ang kaso ng Dengue sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH) mula Enero hanggang Agosot a-tres, aabot na sa 188,562 cases na, mataas kumpara sa higit 93,000 na kaso noong 2018.
Pinakamaraming kaso na ang naitala sa Western Visayas.
Aminado si DOH Asec. Maria Rosario Vergeire, patuloy ang pagtaas ng kaso kahit may mga ipinatutupad na silang hakbang para pigilan ito.
Suportado naman ng Philippine Pediatric Society at Pediatric Infectuous Society of the Philippines ang paggamit muli ng Dengvaxia maski sa pribadong sektor lamang.
Sa ngayon ang Anti-Dengue Vaccine ay lisensyado na sa 21 bansa kasama ang US at European Union.
Facebook Comments