Pangulong Rodrigo Duterte, suportado ang pagpasa ng Sogie Bill

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na makikipagtulungan sa Kongreso para matiyak ang pagkakapasa ng Sexual Orientation and Gender Identity Equality o Sogie Bill.

Sa nangyaring meeting sa MalacaƱan kagabi kasama ang mga kintawan ng LGBTQ Community, ipinahayag ng pangulo ang kanyang suporta sa panukalang magpoprotekta sa kanilang karapatan.

Isa sa mga ipinanukala noong meeting ay ang pagbuo ng commission ng LGBTQ na magsusulong ng Sogie Law.


Kabilang sa mga dumalo sa meeting ay si Sen. Bong Go, Bataan Rep. Geraldine Roman at Gretchen Diez.

Balak din ng palasyo na magsagawa ng National Convention kasama ang iba pang LGBT groups para magsilbing venue sa iba pang miyembro ng komunidad na idulog ang kanilang hinaing at makagawa ang gobyerno ng policy proposal.

Facebook Comments