Tumaas ng 190% ang kaso ng dengue sa bansa
Ayon sa Department of Health (DOH), sumampa na sa 201,509 ang kaso ng dengue sa Pilipinas, mula noong January 1 hanggang November 12 ngayong taon.
Doble ang itinaas nito mula sa 69,505 na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.
Sa kabuuang bilang ng kaso ng dengue, pinakamarami rito ay naitala sa Central Luzon na may higit 40,000.
Sinundan naman ito ng National Capital Region (NCR) na may higit 23,000, at CALABARZON na may higit 17,000.
Samantala, umabot na sa 656 ang nasawi sa dengue sa bansa, batay sa datos pa ng DOH’s Epidemiology Bureau.
Facebook Comments