Cash gift para sa mga empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan, inilabas na

Maaari nang makuha ng mga regular at contractual na empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan, ang cash gift para sa taong ito.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, nagkakahalaga ng P5,000 ang cash gift para sa mga nakapag-render ng hindi bababa ng apat na buwang serbisyo bago mag October 31, 2022.

Para naman sa mga empleyado na wala pang apat na buwan sa serbisyo bago mag-ika-31 ng Oktubre, sila ay makatatanggap ng P2,000 na cash gift.


P1,500 para sa hindi bababa sa tatlong buwan, P1,000 para sa hindi babab sa dalawang buwan at P500 para sa hindi bababa sa isang buwan ang serbisyo.

Facebook Comments