*Cauayan City, Isabela- *Tumaas ng halos 335% ang bilang ng mga nagpositibo sa sakit na dengue kumpara noong nakaraang taon.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ginoong Reygie Lopez, District Administrator sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya kung saan base sa kanilang datos ay pumalo sa 274 ang naitalang kaso ng sakit na dengue mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon kumpara noong taong 2018 na mayroon lamang 63 kaso ng dengue.
Aniya, nasa 10months old ang pinakabata habang 83 anyos ang pinakamatanda na tinamaan ng sakit na dengue.
Dagdag pa ni Ginoong Lopez na nababantayan pa rin naman ang kaso ng dengue sa Lungsod at wala pa namang naitalang namatay sa naturang sakit.
Mahigpit naman ang paalala ng pamunuan ng ospital na ugaliin pa rin ang paglilinis sa bakuran na maaaring pamugaran ng lamok upang makaiwas sa sakit na dengue.