Tumaas ng 215% ang kaso ng dengue sa Cordillera.
Mula sa 3,159 na kaso noong January – August 20, 2021, tumaas ito sa 9,958 mula January – August 20 ngayong 2022.
Sa Apayao, 5,811% ang itinaas ng kaso ng dengue, 117% sa Baguio City, 93% sa Benguet, 808% sa Ifugao 1,069% sa Kalinga, at 36% sa Mountain Province. Bumaba naman ng 61% ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Abra.
Labingpito (17) na ang naitalang namatay sa rehiyon dahil sa dengue kung saan, pito (7) ay mula sa Benguet, apat (4) mula Kalinga, dalawa (2) mula Baguio City, at dalawa (2) mula Mountain Province.
Patuloy naman ang pagpapaalala ng DOH- CAR sa publiko na sundin ang 4S para makaiwas sa dengue.
Facebook Comments