SLOT PARA SA MGA BENEPISYARYO NG LIBRENG PAGLALAGAY NG KURYENTE SA SAN NICOLAS BUKAS NA

25
Binuksan nang muli ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang listahan para sa mga nagnanais mapakabitan ng libreng Kuryente sa bayan.
Ito ay sa ilalim ng kanilang programang Electrification Program na kung saan taun-taon ay namimili ng mga benepisyaryo ang lokal na pamahalaan.
Simula pa noong umpisa ng programa hanggang sa ngayon ay nasa 410 na ang mga naging benepisyaryo ng nasabing programa sa bayan ng San Nicolas.

Samantala, katuwang ng ahensya sa nasabing libreng pagpapakabit ng kuryente ay ang Panelco III. | ifmnews
Facebook Comments