Kaso ng Dengue sa Lungsod ng Ilagan, Bumaba!

*Cauayan City, Isabela-* Bumaba sa 30% ang naitala na kaso ng dengue kumpara noong nakaraang sa lungsod ng Ilagan.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Herbee Barrios ng Ilagan City Health Office-1 ay malaki aniya ang ibinaba ng kasong dengue sa Lungsod kumpara noong nakaraang taon.

Sa taong 2018 ay umabot sa 395 dengue cases kumpara ngayong taon na umabot lamang sa 238 kaso ng dengue na naitala ng tanggapan ng CHO-1.


Ang CHO-1 ay may sakop na 35 Western Barangay sa Lungsod na may 78, 000 populasyon.

Patuloy naman ang mandato at direktiba ni City Mayor Josemarie Diaz sa araw-araw na pagsasagawa ng paglilinis sa kapaligiran kasabay ng kanilang pagsasagawa ng information dissemination drive campaign upang itaboy ang mga maaaring pamahayan ng lamok na nagtataglay ng sakit na dengue.

Facebook Comments