Inihayag ni Dwight Artienda, Philippine Integrated Disease Surveillance & Response Coordinator ng IPHO, na nakapagtala na sila ng 342 kaso ng dengue sa lalawigan mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon kumpara sa 52 kaso noong nakalipas na taon.
Dagdag niya, lagpas na sa epidemic threshold kung kaya’t hiniling sa mga lokal na pamahalaan na gawin ang kanilang hakbang para sap ag-iwas sa dengue at maiwasan ang pagdami ng naturang kaso.
Ani Artienda, ang pagtaas ng mga kaso ng dengue ay naitala kahit na sa panahon ng tag-araw na posibleng tumaas pa sa panahon ng tag-ulan.
Hinimok naman nito ang mga Novo Vizcayano na gawin ang kanilang bahagi sa pag-iwas at pagkontrol sa Dengue sa kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng pagsira sa mga posibleng pamugaran ng lamok nagdudulot ng sakit na dengue.