Kaso ng dengue sa South Cotabato, tumaas ng halos 30 porsyento

General Santos City- Umakyat ng halos 29.3% ang kaso ng dengue sa South Cotabato matapos umabot sa 1, 585 ang kaso nito mula Enero ngayong taon hanggang Mayo 20.

Sa report ng South Cotabato Provincial Health Office na mas mataas ang naturang bilang kumpara sa kaparehong period noong nakaraang 2016 na nasa 1, 226 lamang na kaso.

Koronadal naman ang nangungunang may pinakamataas na kaso na umaabot sa 475 na sinusundan ng Polomolok sa 309, at Tupi na may 245.


Ngayong taon, 10 na ang patay sa nabanggit na sakit, tatlo sa Koronadal, apat naman sa Polomolok at tig-isa sa Surallah, Tboli at Tupi.
DZXL558

Facebook Comments