Kaso ng flu o trangkaso sa bansa, tumaas ng 45% ngayong taon – DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na tumaas ang mga naitatalang kaso ng flu o trangkaso ngayong taon.

Sa datos ng DOH, nakapagtala na ang bansa 114,278 na flu-like cases mula January 1 hanggang December 3 ngayong taon.

Mas mataas ito ng 45% kumpara sa 78,550 na kaso sa kaparehong panahon noong 2021.


Ayon kay DOH Officer-in-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, posibleng mas tumaas pa ito ngayong Disyembre dahil sa malamig na panahon.

Dahil dito, pinag-iingat ng opisyal ang publiko dahil halos pareho ang sintomas ng trangkaso sa COVID-19.

Giit ni Vergeire, hindi pwedeng maging kumpiyansa ang publiko na trangkaso lamang ito kung kayat mas mainam pa rin aniya na magpatest at mag-isolate uppang matiyak na ito ay hindi COVID-19.

Facebook Comments