Pinsala ng nagdaang sama ng panahon sa imprastraktura at agrikultura, patuloy sa paglobo

Umabot na sa P14.5 million ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ng pag-ulan dulot ng naranasang shearline sa ilang rehiyon sa bansa.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa 22 imprastraktura sa Region 5 at Region 10.

Nasa 534 kabahayan ang napinsala ng pag-ulan, kung saan 369 ang partially damaged at 165 ang totally damaged.


Kabuuang P59.8-M ang halaga ng pinsala ng pag-ulan sa agrikultura sa ilang rehiyon.

Habang mahigit P2-M ang pinsala sa irigasyon.

Facebook Comments