Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na tumaas ang kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nitong Hulyo ay sumampa sa 1,346 ang naitalang tinamaan ng HIV, na mas mataas kung ikukumpara sa mga kaso kada buwan noong mga nakaraang taon.
Dagdag pa ni Vergeire, sa ngayon ay tumaas ito sa halos 150,000 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng nasabing sakit.
Kaugnay nito, nanawagan si Vergeire na samantalahin ang libreng HIV testing ng DOH, bukod pa sa mga treatment at support programs na kanilang inilunsad na bahagi ng 5 bilyong pisong pondo kada taon para labanan ang HIV at iba pang priority diseases.
Matatandaang, noong 2017 ay naitala rin ang mataas na bilang ng kaso ng HIV sa bansa na pumalo naman sa 72,000.
Samantala, batay sa datos ng HIV/AIDS and Art Registry of the Philippines (HARP), aabot na sa 4,574 ang bilang ng mga nasawi sa sakit mula taong 1984 hanggang 2020.