Kaso ng leptospirosis ngayong taon, tumaas ng 22%

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa 1,411 ang kaso ng leptospirosis sa bansa mula January 1 hanggang August 6, 2022.

Nangangahulugan ito na tumaas ng 22% higher ang kaso ng leptospirosis kumpara sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.

Partikular na nakapagtala ng mataas na kaso ng leptospirosis ang National Capital Region (NCR) (263, 19%), Region VI (171, 12%) at Region II (169, 12%).


188 naman ang binawian ng buhay ngayong taon dahil sa nasabing sakit.

Ito ay katumbas ng 13.3% na Case Fatality Rate.

Facebook Comments