Fake news article tungkol sa krimen, pina-take down na ng PNP-ACG

55

Pinatanggal na ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang mga post sa social media post na naglalaman ng fake news.

Ito’y matapos na magsagawa ng beripikasyon ang PNP-ACG sa ilang mga naglabasang post na tungkol sa krimen.

Ang hakbang ay kasunod na rin ng direktiba ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., sa PNP-ACG na palakasin ang pag-monitor sa mga aktibidad ng mga kriminal sa social media.


Matatandaang sinabi ng PNP chief na matapos ang beripikasyon ng PNP, marami sa mga naglabasang post sa social media tungkol sa krimen ay pawang mga lumang kaso na pinalulutang para makakuha ng followers o para palabasin na disorganisado ang gobyerno.

Facebook Comments