LINGAYEN, PANGASINAN – Bumaba na ang kaso ng leptospirosis sa Pangasinan, ngunit patuloy pa rin ang paalala ng health officials na mag-ingat sa sakit matapos ideklara ng PAGASA ang pagpasok ng La Niña sa bansa.
Nakapagtala na ng 23 kaso ng leptospirosis ang kanilang ahensya mula Enero hanggang ngayong Oktubre na 18% mababa kumpara noong nakaraang taon na mayroong 28 kaso.
Isa naman na ang nasawi sa sakit ngayong taon na mula sa lungsod ng Dagupan. Paalala ng DOH umiwas sa paglusong sa baha upang makaiwas sa mga sakit lalo na ang leptospirosis.
Nakukuha ang leptospirosis sa ihi ng daga na humahalo kadalasan sa baha o di kaya naman ay makuha sa putik na kontaminado ng bacteria na leptospira.###
Facebook Comments