MANILA – Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na nasa 89.47 percent ang ibinaba ng kaso ng ligaw na bala sa pagsalubong sa taong 2017 kumpara sa pagsalubong sa 2016.Ayon kay PNP Spokesman Senior Supt. Dionardo Carlos – apat na kaso ng ligaw na bala lamang ang naitala ng PNP sa pagitan ng alas-5:00 ng hapon ng Disyembre 31 at alas-5:00 ng umaga ng Enero 1, 2017 at napakalayo nito sa naitalang 38 kaso sa kaparehong panahon noong 2015.Itinuro ni Carlos sa pinaigting na pagmamatyag at maximum deployment ng PNP ang pagbaba ng bilang ng insidente ng ligaw na bala.Samantala, binigyan naman ng 10 araw para mag-report sa kanilang mother units ang apat na pulis na sinasabing nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa 2017.Sinabi ni Carlos na kailangan nang lumabas ang mga ito para hindi sila maituring na absent without leave o AWOL.Agad na hihingan anya ng paliwanag ang apat na pulis at agad naman iimbestigahan ang mga ito.
Kaso Ng Ligaw Na Bala Sa Pagsalubong Ng 2017, Halos 90 Percent Na Bumaba, Ayon Sa Pnp – Apat Na Pulis Na Nagpaputok Ng K
Facebook Comments