Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng isa pang kaso ng monkeypox virus sa bansa.
Bunga nito, umaabot na sa apat ang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.
Ang ika-apat na kaso ay isang 25-year old na Filipino na may travel history.
Siya ay nagpositibo sa Polymerase Chain Reaction or PCR test noong Biyernes, August 19.
Ayon sa DOH, ang naturang pasyente ay naka-admit ngayon sa isang isolation facility.
Natukoy na rin ang 14 na close contacts ng nasabing pasyente kung saan ang isa ay nasa isolation facility na rin habang ang anim ay naka-quarantine.
Ang isa naman ay isang healthcare worker na nakasuot ng complete Personal Protection Equipment (PPE) noong magpakonsulta ang pasyente.
Nasa low risk naman ito at kasalukuyang nagse-self monitoring.
Patuloy namang bini-verify ang anim na iba pang close contacts.