Militar ipinagtataka kung saan nanggaling ang balitang patay na umano ang mag-asawang Tiamzon

212

Nagtataka si Joint Task Force Storm Commander Maj. General Edgardo de Leon kung saan nanggaling ang impormasyon na patay na umano ang mag-asawang lider ng komunistang grupo na sina Benito at Wilma Tiamzon.

Base sa mga lumabas na ulat sa social media kahapon, kabilang umano ang mag-asawang Tiamzon sa 10 New People’s Army (NPA) na sakay ng bangka na sumabog sa baybayin ng Catbalogan Samar matapos na maka-engkwentro ng militar.

Ayon kay De Leon sa ngayon inaalam pa ng tropa ng militar kung sino ang kanilang nakasagupa.


Posible rin aniyang diversionary tactic lamang ang pagsabog ng bangka at may isa pang bangka na ginamit ang mga rebelde para makatakas sa militar lalo pa at wala pang narerekober na mga labi sa mismong encounter site.

Facebook Comments