“WALANG KASO NG NOVEL CORONAVIRUS SA PANGASINAN”
Ito ang naging pahayag ng Provincial health Office ng Pangasinan matapos ang pagkalat ng isang post sa social media na mayroon ng binabantayang person under investigation ng Novel Coronavirus sa Tayug Family Hospital, Region 1 Medical Center at Pangasinan Provincial Hospital.
Sa panayam ng Ifm Dagupan kay Dra. Anna De Guzman, wala umanong natanggap na advisory ang ahensya mula sa kagawaran ng kalusugan na mayroong nakasabay na Pangasinense ang 38 taong gulang na Chinese na kumpirmadong tinamaan ng novel coronavirus.
Aniya, walang dapat ipangamba ang mga Pangasinense kung sumusunod ang mga ito pagpapanatili ng malusog na pangangatawan at pag-iwas sa bisyo upang lumakas ang resistensya.
Sinabi rin nito, na huwag tangkilikin ang fake news dahil kung mayroon mang matanggap na advisory ang ahensya mula sa Department of Health agad na makikipag ugnayan ang mga ito upang makapagbigay ng update sa mga Pangasinense.