Kaso ng Patient-Under-Investigation, Nananatili nalang sa Isa – DOH Region 2

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ng Department of Health Region 2 na isa nalang ang nananatiling Patient-Under-Investigation sa buong Cagayan Valley.

Sa pinakahuling tala ng DOH, nagnegatibo na ang 10 Patient-Under-Investigation habang hinihintay na lamang ang resulta ng isang Ginang matapos isailalim sa pagsusuri ng makitaan ng ilang sintomas ng COVID-19.

Ayon kay Ginoong Lexter Guzman ng Health Education and Promotion Unit ng DOH Region 2, nananatili pa rin sa isolation room ng Southern Isabela Medical Center sa Santiago City ang 49 anyos na isang Overseas Filipino Workers (OFW) na tubong Bayan ng Naguilian sa Isabela at dumating lamang sa Pilipinas nitong Enero 27 mula sa bansang Hongkong.


Hiniling naman ni Ginoong Guzman sa publiko lalo na sa mga bakasyonista mula sa mga bansnag apektado ng COVID-19 na mangyaring dumulog sa mga tanggahan ng pangkalusugan upang matiyak na maiiwasan ang nakamamatay na sakit.

Pinapaalalahanan naman nito ang publiko na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon kaugnay sa COVID-19 sa panahong laganap ang mga balita at sabi-sabing kumpirmasyon na walang opisyal na basehan.

Facebook Comments