Cauayan City, Isabela- Inatasan ni City of Ilagan Mayor Jose Marie ‘Jay’ Diaz ang Health Office na tutukan ang kaso ng Dengue at iba pang mga health issue.
Hiling ito ng alkalde matapos maibaba sa Alert Level 1 ang quarantine status ng lungsod mula sa COVID-19.
Ayon sa alkalde, masaya ito sa unti-unting pagbabalik ng sigla ng siyudad matapos ang mahigit dalawang taon na limitado ang galaw ng mga tao dahil sa pandemya.
Inatasan naman ng opisyal ang 91 barangay captain na ituon ang kanilang atensyon sa seguridad at peace and order mula sa dating mahigpit na health monitoring.
Samantala, nananatili na lamang sa 0.36% ang Average Daily Attack Rate (ADAR) at nasa -60% ang COVID-19 2-week growth rate dahilan upang makategorya sa low-risk classification ang lungsod sa usapin ng COVID-19.
Facebook Comments