Tumaas ang bilang ng sakit na Diptheria sa Pangasinan matapos makapagtala ng limang suspected na kaso nito ngayong taon.
Mataas umano ang kasong ito kumpara noong nakaraang taon na mayroon lamang iisang kasong naitala.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Dra. Anna De Guzman, Pangasinan Health Office, Officer ang limang kaso ng Diptheria ay galing sa bayan ng Sta. Maria, Mapandan, Urbiztondo, Alaminos City at San Carlos City.
Ikinababahala ito ng Pangasinan Health Office matapos maitala ang 14 taong gulang na bata na nasawi ngayong taon sa nasabing sakit.
Samantala, kontrolado ng ahensya umano ang sakit na Diptheria sa lalawigan at kailangan lamang na magpabakuna ng booster laban dito.
Ilan sa mga sintomas ng Diptheria ay ang panghihina ng katawan, lagnat, pangangati at pamamaga ng lalamunan. ###
Kaso ng sakit na Diptheria sa Pangasinan tumaas
Facebook Comments