Bacolod City, Philippines -Tumaas ng quadruple ang kaso ng teenage pregnancy sa halos buong bahagi ng bansa o mga batang babae na nasa edad trese anyos hanggang 19 years old.
Dito sa Bacolod City, inihayag ni City Health Officer Dr. Ma. Carmela Gensoli na mahigit apat na daang kaso ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ang nai-record ng kanilang tanggapan mula 2015 hanggang 2017.
Ayon kay Dr. Gensoli, ipinag-utos na nito sa mga barangay health workers na i-monitor ang mga kababaihang sexually active o mga nasa edad na kinse anyos hanggang 39 years old upang ma check ang kanilang pangangatawan sakaling ito ang mabuntis at upang ma-guide ang mga ito sa pamamagitan ng family planning.
DZXL558
Facebook Comments