Lalaki, nahaharap sa patong patong na kaso matapos mahulihan ng hinihinalang shabu at panggagahasa sa isang ng menor de edad

General Santos City – Patong patong na kaso ang kinahaharap ng isang 24 years old na si Gabriel Besonia, residente ng park 4, Barangay Mabuhay matapos itong naaresto sa search and operation at itinuro pang suspek ng panggagahasa sa isang minor de edad.

Una nang naaresto ang suspek sa pamamahay nito sa barangay Mabuhay matapos itong nakunan ng (5) sachet ng pinaniniwalaang shabu ng operatiba ng police station 4.

Nang dalhin ito sa tanggapan ng pulisya saktong nandoon ang minor de edad at mga magulang nito para sana ireklamo ang suspek ng panggagahasa.


Biglang napahagulgol ang biktima ng makita nito ang suspek ng suspek sabay turo na ito ang humalay sa kanya.

Sinabi ni Police Sr. Inspector Lemuel Enrijo, deputy chief of police ng police station 4 na kanila nang hinahanda ang mga dukumento para sa pag-file nang kasong paglabag ng RA 9165 laban sa suspek, habang hinihintay nalang nilang bumalik ang mga magulang ng minor de edad para magsampa ng kasong rape laban pa rin sa suspek.
DZXL558

Facebook Comments