Tumaas ng 201% ang kaso ng measles o tigdas sa bansa ngayong taon.
Sa pinakahuling Department of Health (DOH) measles surveillance report, nakapagtala na ang Pilipinas ng 515 na kaso ng measles, mula January 1 hanggang November 5, kung saan isa na ang nasawi.
Higit na mas mataas ang kabuuang bilang ngayong 2022, kumpara sa 171 na kaso ng kaparehong panahon noong 2021.
Sa naturang bilang, ang Calabarzon ang may pinakamataas na naitalang kaso, na may 93 cases.
Sinundan naman ito ng Central Visayas, na may 67; at National Capital Region (NCR), na may 64.
Ayon sa DOH, ang pagtaas ng kaso ay dahil sa mababang immunization rate ng mga bata laban sa tigdas.
Facebook Comments