Kasong COVID-19 sa San Juan City, nadagdagan ng 3 at 1 bagong nasawi

Kinumpirma ng City Heath Office o CHO ng San Juan City, na umabot na sa 126 na bilang ang kaso ng Coronavirus Diseases 2009 o Covid-19, kung saan kahapon ang pinakabagong tatlong kaso ang naidagdag.

Maliban dito, isa pang pasyente ng nasabing virus ang binawian ng buhay, bilang pang-apat na nasawi sa Lungsod ng dahil sa COVID-19.

Nasa 174 ang bagong bilang ng Persons Under Investigations at 446 naman ang Persons Under Monitoring.


Dahil sa patuloy ng pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa nasabing Lungsod, hinikayat ni San Juan Mayor Francisco Zamora ang mga residente ng kanyang Lungsod na sumunod sa mga precautionary measures laban sa nasabing virus at ipagpatuloy ang pag-obserba sa ipatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Facebook Comments