1 Pinoy crew ng MV Grand Princess Cruise Ship na naka-daong sa San Francisco, nasawi sa COVID-19

876

Isang Pilipinong crew ng MV Grand Princess Cruise Ship na nakadaong sa San Francisco Bay sa California ang namatay dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Kinumpirma mismo sa Department of Foreign Affairs o DFA ni Henry Bensurto Jr., Philippine Consul General sa San Francisco sa Amerika ang nangyari sa hindi pa pinapangalanang Pinoy crew na nasawi noong April 1.

Ayon pa kay Bensurto, nagpa-abot na sila ng pakikiramay sa pamilya at kaibigan ng nasawing Pinoy crew kung saan nagbigay pugay sila dito dahil sa naging dedikasyon nito sa trabaho.

Nakikipag-ugnayan naman na ang konsulada sa mga concerned authorities para sa nararapat na hakbang at kung ano ang dapat gawin sa labi nito.

Sa ngayon, puspusan ang pakikipag-usap ng konsulada sa mga otoridad sa Amerika gayundin sa Carnival Corporation na operator ng MV Grand Princess para sa kapakanan, kaligtasan at kalusugan ng iba pang Pinoy crew na nananatili sa barko at sa posibleng pagpapauwi sa kanila sa Pilipinas.

Facebook Comments