Kasong incest rape, haharapin ng isang binata sa Misamis Oriental matapos halayin ang sariling mga kapatid

Misamis Oriental, Philippines – Kasong incest rape ang haharapin ngayon ng isang binata, matapos na halayin ang kanyang tatlong mga kapatid sa Opol, Misamis Oriental.

Ang suspek ay nakilala na si Dennis, 21 taong gulang, habang ang mga kapatid nito ang nasa 19, 16 at 11 taong gulang.

Ayon sa Women and Children Protection Desk ng Opol Municipal Police Station, na nabulgar ang ginawa ng suspek matapos magsumbong ang kapatid na 11 taong gulang.


Nalaman na ang ina ng mga biktima ang namasukan sa Bohol, habang ang ama nito ay isang drayber sa kumpanya at matagal nang hindi nakakauwi ng bahay.

Nalaman din na tumagal na ng tatlong taon ang panghahalay ni Dennis sa kanyang mga kapatid.

Inamin naman ng suspek na palagi siyang nanunuod ng mga sex video kasama ang kanyang mga barkada, at gumagamit din siya ng marijuana kung nalalasing.

DZXL558

Facebook Comments