Narekober na 600 grams na shabu sa isang magasawa sa Bacolod City, nasa crime laboratory na

Bacolod City, Philippines – Ipinadala na laboratory ang 600 grams ng suspected shabu upang suriin kung purong illegal drugs ang na confiscate ng police station 2 sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. 1 sa Bacolod City.

Ayon sa hepe ng station 2 na si P/Cinsp. Benedicto Villarias na hindi isang kilo ang na-recover ng shabu sa suspek na si Reynante Villanueva kung hindi 600 grams lamang at may street value na 3 million pesos at hindi 15 million pesos kagaya ng naunang report.

Sinabi pa ni Villarias na ito ay base na rin sa resulta ng crime laboratory examination.


Kaugnay nito, inihayag ni Villarias na naisampa na ang kasong pagbebenta at pagmamay-ari ng illegal drugs laban sa suspek na si Reynante at sa asawa nitong si Julie Villanueva.

 

Facebook Comments